Matapos kong i-post ang video na ito sa YouTube eh ilan sa mga malalapit kong kaibigan ang madalas ng gumaya sa "Hey, what's up?" opening spiel ko tuwing magkikita kami. Dito ko napagtanto na pwede ko pala 'tong gamiting title sa mga posts na ang tanging laman ay ang mga recent na pangyayari sa paligid ko. Yung mga tipong alam kong wala naman talagang gustong magbasa pero dahil bored ako, o di kaya'y nagpapahinga mula sa pag-aaral, ay isusulat ita-type ko; at dahil bored ka rin ay babasahin mo naman.
Ready ka na ba? Game.
Hey, what's up?
Eto, wala lang. Sobrang wala pa sa mood bumalik sa school dahil ang lakas maka hang-over ng Christmas vacation. Pero, ang weird kasi simula kanina ay nag-aaral na 'ko para sa exam ko na two weeks from now pa naman. Kahit ako eh nagulat sa sarili ko eh. Madalas kasi ay maswerte na na one week before ng exam kapag sinipag ako na magsimulang mag-aral. Nagsimula 'to kaninang madaling araw, habang nanunuod ako ng Modern Family Season 1. Pagkasalang (parang VHS lang) ko ng unang episode eh sinabayan ko ng pagre-rewrite ng notes. Pagkatapos ng sampung episodes, tinapos ko ang pagrere-write sa kadahilanang dalawang pahina na lang naman ang natitira. Natulog, gumising, pumasok kanina, dumaan sa bangko*, inabot ng "rush hour sa lunch" kaya na stuck sa daan. Sa kasamaang palad ay naiwan ko ang earphones 'ko kaya hindi ako makapagpatugtog. Ayoko namang gawing feeling boombox 'tong cellphone ko. Malaman pa nilang puro pa rin The Script, The Fray, Adele at Parachute ang pinapakinggan ko kahit na bagong taon na at kahit masaya na ako. Dahil wala ngang magawa eh inilabas ko ang kwaderno (notebook in English, notes in normal language) ko at nagsimulang mag-aral. Hanggang sa maka-uwi dito sa bahay at hanggang sa matapos kong basahahin ang mga nakasulat dito. Natatawa pa rin ako hanggang ngayon dahil ang OA naman ng pagre-review ko. Pero sa totoo lang, sana matuloy-tuloy ko 'tong ganito. Masarap 'yung feeling na hindi ko naaksaya 'yung oras 'ko at feeling ko eh mas masarap 'yung feeling nito kapag malapit na 'yung exam pero hindi ako magca-cram. Ngayon pa lang eh excited na 'ko mag-exam eh. Ha ha. Sana freshman pa lang ako eh ganito na 'ko, eh di sana, ang yaman ko na ngayon. Ha ha. Ayan, medyo kailangan ko namang magbantay sa tindahan. Hanggang sa susunod na "Hey, what's up?" na lang!
*Dumaan ako sa bangko kanina para magdeposit ng bayad ko sa Punchdrunk Panda. Finally, naka-order din ako ng camera strap na gusto ko. Nawala kasi sa site nila 'yung design na yun dati kaya nag-antay muna ako bago bumili. Check out niyo ang Punchdrunk Panda! Lahat ng products nila ay magaganda, mura, at higit sa lahat, gawang Pinoy! Isa sila sa mga promising na brands! Sobrang hip at kayang-kayang makipagsabayan sa ibang malalaking brands, dito man sa Pinas o sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment