Thursday, December 22, 2011

Maiba Lang.

May naligaw sa YouTube inbox ko na mensahe na nagsasabing isa siyang Filipino na nakapanood ng ilang videos ko at pinuntahan rin niya 'tong BeliZone. Nabasa daw niya lahat ng entries at nagtaka siya kung bakit hindi daw ako halos gumamit ng Filipino bilang wikang pansulat dito. Napatanong tuloy siya kung marunong akong mag-Filipino.

To set the record straight, opo, marunong po akong mag-Filipino at hindi ko po ikinakahiya na ako'y Filipino. Actually, ngayon lang may pumansin sa nakagawian ko nang hindi pag-gamit ng Filipino dito at ngayon ko rin lang inisip kung bakit nga ba panay ako sa pag-gamit ng wikang Ingles dito. 

Sa totoo lang, hindi ko rin po alam. Sa limang minuto na ginugol ko para mag-isip ng kasagutan sa tanong niya, heto ang mga napagtanto ko.



1. Marahil ay dahil sa nasimulan kong mag-blog talaga na English ang gamit

2. Mas kumportable talaga akong magsulat gamit ito. Yung nanay ko kasi ay nagtatrabaho sa isang international company dati kaya kahit sa bahay ay English din madalas ang usapan.  Halos lahat ng libro na binibili niya para sa'kin at mga pinapapanuod niya sa'kin dati ay English din. Dahil madalas makarinig at makapagbasa ng English eh naging kumportable ako dito. Alam niyo ba na ang pinakamababa kong marka noong high school ay sa Filipino? Hindi ko ito ipinagmamalaki pero nginingitian ko lang 'to kapag naaalala ko na muntikan na 'kong matanggal sa honor roll dahil sa Filipino. Ha ha. 

3. Ngayong college ay bilang sa mga daliri sa isang kamay na naputukan noong nakalipas na bagong taon ang mga kurso na kinuha ko na Filipino ang ginagamit bilang base language. Madalas din akong may classmate na foreigner kaya sapilitang in-English mag lecture ang mga prof o instructors. Madalas din na marami akong kausap na mahilig lang talaga mag-English o kaya naman eh mag-TagLish. 



Ayan lang yung mga naimbento naisip kong rason. Ha ha. Hayaan niyo, susubukan ko talagang mas mapadalas ang pagsusulat ko gamit ang Filipino. Maraming salamat sa nakapansin! Ayaw mo ba talagang pangalanan kita? Ha ha!

Hanggang sa susunod! 


No comments:

Post a Comment